Isa kaming grupo ng mga talentado at masiglang indibidwal mula sa iba't ibang panig ng mundo. Sinisikap naming pasimplehin ang mga komplikadong proseso ng pagbibiyahe gamit ang teknolohiya, nang hindi natatakot na gumawa ng pagbabago o sumubok ng mga bagong bagay.
Bahagi ng Trip.com Group ang Skyscanner pero hiwalay ang pagpapatakbo rito at may malalaking plano ito para sa kinabukasan ng pagbibiyahe.
1,200+
empleyado
50
nasyonalidad
May mga tanggapan sa
Europe, North America, at APAC
Bawat araw…
Isinasapriyoridad namin ang mga biyahero. Mahilig kaming bumiyahe at ito ang nagbubuklod sa amin.
Natututo, nagbabahagi, at sumusulong kami. Nakakatulong sa pag-unlad namin ang iba't ibang kasanayan, karanasan, at pinagmulan.
Palagi kaming nagmamalasakit. Inuunawa at iginagalang namin ang bawat isa. Sama-sama kaming kumikilos.
Pinapasimple namin ang mga bagay-bagay. Gumagawa ng mga bagay para mapadali at maging accessible ang pagbibiyahe.
Mahigit 30 taon nang humahawak si John ng mga pandaigdigang online na negosyo at negosyo ng software, kasama rito ang 20 taon sa Microsoft kung saan nagsilbi siya bilang Vice President sa Europe para sa Advertising at Online. Talagang hilig niyang bumiyahe at tumira na siya sa Netherlands, UK, US, at France. Pitong taong nagsilbi si John bilang CEO ng Travix bago siya lumipat sa Skyscanner. Tinutulungan na niya ngayon ang mga biyahero para madali nilang malibot ang mundo hanggang sa mga susunod na henerasyon.
Pinamumunuan ni Laurence ang pandaigdigang organisasyon ng pananalapi ng Skyscanner at mayroon siyang mahigit 25 taong karanasan sa e-commerce at teknolohiya sa Europe at Silicon Valley. Huling nahawakan niya ang eBay. Nakatuon siya sa pag-unlad namin at sa patuloy na paglago ng aming negosyo. Bilang masigasig na biyahero, palagi niyang sinusuportahan ang mga team para magawa nila ang lahat ng kanilang makakaya sa pamamagitan ng pagtatakda ng mga layunin sa estratehiya at pagsasalaysay sa mga lumalabas na numero sa Skyscanner.
May malawak na karanasan si Stuart sa industriya ng pagbibiyahe at naging bahagi siya ng Skyscanner noong 2009. Simula noon, marami na siyang nahawakang posisyon sa pamumuno sa commercial strategy, business development, at growth marketing. Bukod pa sa pamumuno sa Commercial Team, aktibo rin niyang nakikibahagi sa pagtataguyod sa natatangi at pambihirang kultura ng Skyscanner.
Nakilala si Piero sa paghahatid ng mga produkto para sa consumer na makabago at nangunguna sa merkado sa ilan sa pinakamatatagumpay na kompanya ng teknolohiya sa buong mundo, kabilang ang Skype at Microsoft. Isinasabuhay niya ang kultura ng Skyscanner na “pagsasapriyoridad sa mga biyahero” at tinitiyak niyang simple hangga’t maaari ang karanasan sa pagpaplano at pagbu-book ng biyahe, telepono o computer man ang gamit.
Sa usapin ng pagbibiyahe, nakatuon si Martin sa tiwala at katapatan, at kinakatawan niya ang Skyscanner sa maraming forum ng industriya sa Europe at North America. Pinamumunuan niya ang aming mga team ng Legal, Regulatory, at Public Affairs sa buong mundo, at siya ang executive sponsor para sa mga ginagawa namin para maging sustainable. Bago maging bahagi ng Skyscanner, mahigit isang dekada siyang nagtrabaho bilang corporate lawyer sa pribadong sektor nang nakatuon sa corporate finance, M&A, at Private Equity.
Pinamumunuan ni Clive ang aming mga team ng brand at performance marketing sa buong mundo, at tumutulong siyang iugnay ang mga biyahero sa mga mapagkakatiwalaang partner sa pagbibiyahe para makahanap ang lahat ng alok na pinakaangkop sa kanila. Bago maging bahagi ng Skyscanner, humawak siya ng mga pangunahing posisyon sa customer marketing sa mga kompanyang gaya ng eBay at Expedia. Isinusulong niya na gawing simple ang komplikado at iangkop sa mga biyahero ang mga karanasan.
Si Naomi ang may responsibilidad sa pag-lay out ng estratehikong direksyon at balangkas ng pagpapatakbo ng kompanya, pati na rin ang pamamahala sa mga pang-araw-araw na gawain sa operasyon. Pinamumunuan din ni Naomi ang aming Diskarte sa Data, na isang multi-discipline team sa paghubog at paghahatid ng mga hangarin sa data ng kompanya. Kilala si Naomi sa paghahatid ng komersyal na pag-unlad sa mga digital na pamilihan sa pamamagitan ng pagbuo ng mga de-kalidad at mahusay na team sa buong sales, product, at marketing sa AutoTrader. Mahalaga kay Naomi na may kababaihan sa pamunuan at may mentoring sa lugar ng trabaho.
Labindalawang taon nang bahagi ng Skyscanner si Andrew, simula nang makapagtapos siya hanggang sa humawak siya ng iba’t ibang posisyon sa pamumuno sa larangan ng engineering namin. Pinamumunuan na niya ngayon ang aming mga team ng engineering sa buong mundo at isa siyang nangungunang tagapagtaguyod ng paglilinang sa susunod na henerasyon ng mga lider sa loob mismo ng kompanya. Isinusulong niya rin ang pambihirang kultura ng Skyscanner.
Pinamumunuan ni Bryan ang mga team ng Skyscanner na nakatuon sa pagbuo ng pangmatagalang strategic vision, pagpapatakbo ng negosyo, at mga non-flight vertical ng kompanya. May malalim siyang pag-unawa sa mga internasyonal na negosyo na may hawak na mga tungkulin sa pamumuno sa Gopuff, Booking.com, at Tesla, sa UK, Netherlands, at US. Hilig niyang tumuklas ng iba't ibang kultura mula sa personal at propesyonal na pagtingin, dahil tumira na siya sa limang bansa.
Palagi kaming naghahanap ng mga mahusay at mapagsaliksik na tao na puwedeng sumali sa aming team. Pamilyar ba ito? Matutuwa kaming makausap ka.
Lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa Skyscanner.
Magkakampi tayo. Narito ang ibig sabihin noon.
Mga pinakabago naming balita, mahalagang sandali at detalye sa pakikipag-ugnayan.