Mga Ginagawa Namin para sa Sustainability

Pagtulong sa bawat biyahero na tuklasin ang mundo nang walang kahirap-hirap para sa mga susunod pang henerasyon.

Sa pakikipagtulungan sa aming mga partner, layunin naming tumulong sa paghubog ng mas responsableng kinabukasan ng pagbibiyahe.

Pagbibigay sa iyo ng mga opsyong may mas mababang emission

Tungkulin naming magbahagi sa mga biyahero ng walang kinikilingang impormasyon para matulungan kang makapagpasya nang may sapat na kaalaman. Bilang bahagi ng pangakong ito, naniniwala kaming mahalagang magbahagi ng impormasyon tungkol sa epekto ng mga flight sa kapaligiran. Kapag naghanap ka, malalaman mo kung aling mga flight ang nagbubuga ng kahit 6% mas kaunting CO2e kaysa sa karaniwang flight sa rutang iyon.

Matuto pa

Pagbubuklod sa industriya ng pagbibiyahe

Binuo ang Travalyst noong 2019 para gawing mainstream ang impormasyon tungkol sa sustainability. Isa itong precompetitive coalition ng ilan sa pinakamalalaking pangalan sa pagbibiyahe, kabilang ang Skyscanner, Booking.com, Expedia Group, at Google.

Sama-sama naming sinisikap na tulungan ang industriya at mga consumer na gumawa ng mas sustainable na desisyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng tumpak na impormasyon tungkol sa sustainability nang naka-scale. Isa sa mga paraan kung paano namin ito ginagawa ay sa pamamagitan ng pagbibigay sa sinumang nagbu-book ng biyahe ng pangkalahatang access sa malinaw, hindi pabago-bago, at mapagkakatiwalaang impormasyon tungkol sa kanilang mga mapagpipilian sa pagbibiyahe, sa mga platform na alam at pinagkakatiwalaan na nila.

Sa pagkolekta, pagbabahagi, at pag-publish ng hindi pabago-bagong impormasyon tungkol sa sustainability nang naka-scale, mayroon tayong kakayahang tulungan ang mga tao na i-explore ang ating mundo sa paraang nagbibigay ng mas magandang kinabukasan para sa mga tao, mga lugar, at sa planeta—para sa mga susunod pang henerasyon.

Magbasa tungkol sa Travalyst

Pagkakaroon ng sariling pananagutan

Layunin naming gawin ang lahat ng aming makakaya bilang isang pandaigdigang negosyo para mabawasan ang sarili naming carbon footprint. Isa kaming founding signatory ng Glasgow Declaration for Climate Action in Tourism sa COP26 kung saan iuulat namin taon-taon ang aming progreso tungo sa Net Zero.

Bahagi rin kami ng programang Board Now kasama ang aming mga partner sa SkyNRG. Bumibili kami ng Sustainable Aviation Fuel (SAF) upang mabawasan namin ang epekto ng pagbibiyahe namin bilang kompanya at makatulong na masigurong may supply ng SAF para sa hinaharap.

Higit pa tungkol sa sustainable fuel

Mga Site na Internasyonal