Patakaran sa Privacy ng Skyscanner

Hindi inilalapat ang patakaran sa privacy na ito sa United States of America. Available ang patakaran sa privacy sa US sa Patakaran sa Privacy

Walang sorpresa!

Walang sorpresa!

Kokolektahin, gagamitin, at ibabahagi lang namin ang impormasyon mo sa mga paraang inilarawan sa patakarang ito.

Papanatilihin naming ligtas ng iyong impormasyon

Papanatilihin naming ligtas ng iyong impormasyon

Nakatuon kami sa pagiging kumpidensyal at ligtas ng personal na data na ibinibigay mo sa amin.

Palagi kang may kontrol

Palagi kang may kontrol

I-update ang profile mo at mga kagustuhan sa pakikipag-ugnayan kahit kailan.

Tungkol sa patakarang ito

Kasama ng aming Patakaran sa Cookie at Mga Tuntunin ng Serbisyo, ipinapaliwanag ng Patakaran sa Privacy na ito (ang Patakaran) kung paano namin kinokolekta at pinapangasiwaan ang iyong impormasyon sa lahat ng serbisyo ng Skyscanner, kasama ang mobile app at website ng Skyscanner, at iba pang serbisyo gaya ng aming customer service o mga user research channel (magkakasamang tatawagin na "Mga Platform"). Regular namin itong ire-review para siguraduhing updated ito at ipo-post ang pinakabagong bersyon dito. Kapag gumawa kami ng malalaking pagbabago, ipapaalam namin ang mga ito sa iyo sa susunod na i-access mo ang aming mga serbisyo, o sa pamamagitan ng iba pang komunikasyon.

Maraming beses naming ginamit ang salitang "personal na data" sa Patakarang ito. Tumutukoy ito sa anumang impormasyong nauugnay sa iyo bilang isang makikilalang indibidwal. Posibleng kasama rito ang impormasyon gaya ng iyong pangalan, mga detalye sa pakikipag-ugnayan, itineraryo ng biyahe, internet protocol ("IP") address, mga cookie string o device ID, pati na rin ang impormasyong inii-store namin kasama ang mga naturang identifier, gaya ng kung paano mo ginagamit ang aming Mga Platform.

Puwede lang kaming magpahayag para sa aming sarili, kaya hindi saklaw ng Patakaang ito ang pagkolekta o paggamit ng iyong impormasyon ng iba pang kompanya na may mga produkto at serbisyo na itinatampok namin sa aming Mga Platform, gaya ng mga airline, travel agent, hotel, kompanya ng maaarkilang sasakyan, provider ng aktibidad, provider ng carbon offsetting, insurer, at travel compensation specialist ("Mga Travel Provider").

Kapag nag-book ka o bumili sa isang Travel Provider, ipoproseso nila ang iyong impormasyon alinsunod sa kani-kanilang sariling abiso sa privacy at mga tuntunin at kondisyon. Kung nagbu-book o bumibili ka sa isang Travel Provider sa Mga Platform ng Skyscanner, palagi kaming maglalagay ng mga link sa mga dokumentong ito para mabasa mo ang mga ito bago mo kumpletuhin ang iyong pagbu-book o pagbili.

Tandaan na hindi inilaan ang aming Mga Platform para gamitin ng mga batang wala pang 18 taong gulang, at hindi dapat magbigay ng anumang impormasyon sa Skyscanner ang sinumang wala pang 18 taong gulang gamit ang Mga Platform namin o iba pa. Hindi namin sinasadyang mangolekta ng personal na data mula sa sinumang wala pang 18 taong gulang, at buburahin namin ang anumang personal na data na matutukoy naming hindi ibinigay ng, maliban kung may tahasang pahintulot ng, magulang o legal na tagapag-alaga ng bata.

Regular naming ia-update ang Patakarang ito, kaya siguraduhing bumalik ka sa page na ito paminsan-minsan para i-review ang kasalukuyang bersyon. Kung may mahahalagang update, aabisuhan ka namin tungkol sa mga pagbabagong ito sa susunod na i-access mo ang aming mga serbisyo, o sa pamamagitan ng iba pang pakikipag-ugnayan.

Anong personal na data ang kinokolekta namin at saan namin ito kinukuha?

Kung walang impormasyon, hindi ka namin matutulungang magplano at mag-book ng pangarap mong biyahe o gawing napakaganda ng aming Mga Platform at iba pang serbisyo. Kaya kapag ginagamit mo ang aming Mga Platform o kapag nakikipag-ugnayan ka sa amin, kinokolekta, ginagamit, inii-store, o ibinabahagi namin ilang personal na data.

Kinokolekta namin ang personal na data sa tatlong paraan:

Ibinibigay mo ito sa amin

Halimbawa, bibigyan mo kami ng personal na data kapag nagbu-book ka ng biyahe, gumagawa ng account, nagsa-sign up sa mga marketing email o alerto sa presyo, nakikipag-ugnayan sa amin para sa customer support o kapag nakikipag-ugnayan ka sa amin.

Ikaw ang palaging bahala kung pipiliin mong ibigay sa amin ang ganitong mga uri ng personal na data, pero kapag nagpasya kang huwag ibigay ang ilang partikular na kategorya ng personal na data, hindi gagana ang mga aspekto ng aming Mga Platform at iba pang serbisyo (halimbawa, hindi ka puwedeng mag-sign up sa marketing o mga alerto sa presyo nang hindi ibinibigay sa amin ang iyong mga detalye sa pakikipag-ugnayan).

Awtomatiko naming binubuo o kinokolekta ito

Awtomatiko naming binubuo o kinokolekta ang ilang impormasyon mula sa computer o device mo habang ginagamit mo ang aming Mga Platform o kapag nakikipag-ugnayan ka sa amin.

Depende sa Platform na ginagamit mo at mga setting mo sa privacy, makakasama rito ang impormasyon gaya ng iyong IP address, mga cookie identifier, lokasyon, device at browser na ginagamit mo, at kung paano mo ginagamit at paano ka nakikipag-ugnayan sa Mga Platform ng Skyscanner at sa ilang partikular na third-party website.

Binubuo o kinokolekta ang ilan sa impormasyong ito gamit ang cookies at mga katulad na teknolohiya. Para sa karagdagang impormasyon, sumangguni sa aming Patakaran sa Cookie.

Natatanggap namin ito mula sa mga third party

Kung minsan, nakakatanggap kami ng impormasyon tungkol sa iyo mula sa mga third party. Halimbawa, kapag pumunta ka sa aming Mga Platform gamit ang isang promotional partner, o kapag nag-log in ka sa Skyscanner account mo gamit ang social network login feature.

Kung nag-book o bumili ka sa isang Travel Provider sa aming Mga Platform o sa platform ng Travel Provider, posible kaming makatanggap ng impormasyon mula sa kanila tungkol sa opsyon sa pagbibiyahe na na-book o binili mo. Depende sa uri ng booking o pagbili na ginawa mo, posible rin kaming makatanggap ng impormasyon tungkol sa iyo mula sa mga partner para sa pagpigil sa panloloko na nakikipagtulungan sa amin, para pigilan ang maling paggamit ng personal na data at protektahan ang aming mga system.

Posible rin kaming makatanggap ng personal na data mula sa mga third party kung kanino kami nakikipagtulungan para sa mga layunin sa marketing at advertising, depende sa layunin. Kung ganito ang sitwasyon, maaga kaming magbibigay sa iyo ng karagdagang impormasyon.

Mga uri ng personal na data na pinoproseso namin

Depende sa kung paano ka nakikipag-ugnayan sa amin at mga setting mo sa privacy, kinokolekta at pinoproseso namin ang mga sumusunod na uri ng personal na data:

  • Impormasyon sa Pakikipag-ugnayan gaya ng:
    • pangalan, address, email address, at numero ng telepono.
  • Impormasyon ng Pagkakakilanlan gaya ng:
    • passport o iba pang impormasyon ng ID, na posibleng naglalaman ng impormasyon gaya ng iyong pangalan, address, kasarian, nasyonalidad, at petsa ng kapanganakan.
  • Impormasyon sa Pagbabayad gaya ng
    • numero ng card sa pagbabayad, petsa ng pag-expire, at verification code.
  • Impormasyon ng Biyahe at Booking gaya ng:
    • mga booking reference o order number, history ng pag-book at pagbili, passenger name record (“PNR”), impormasyon ng ID o passport, itineraryo ng biyahe, at iba pang impormasyon na nauugnay sa mga produkto o serbisyong binili;
    • kung saan ni-redirect ka sa platform ng isang Travel Provider para kumpletuhin ang pag-book o pagbili, impormasyon tungkol sa pag-book o pagbili na ginawa sa nasabing Travel Provider.
  • Impormasyon ng Account, kung pinili mong gumawa ng account at lamanan ang profile mo, gaya ng:
    • pangalan, petsa ng kapanganakan, kasarian, at lugar ng kapanganakan;
    • impormasyon ng pagkakakilanlan (tingnan sa itaas);
    • impormasyon sa pagbabayad (tingnan sa itaas);
    • impormasyon ng loyalty scheme.
  • Impormasyon ng Device at Lokasyon gaya ng:
    • karaniwang impormasyon mula sa device mo gaya ng iyong IP address, make, model, at operating system;
    • hindi tumpak na lokasyon batay sa IP address mo;
    • tumpak na data ng lokasyon mula sa mobile device mo (kung pinili mong pahintulutan kaming i-access ito).
  • Impormasyon sa Paggamit gaya ng:
    • Paano ka nakikipag-ugnayan sa aming Mga Platform at mga komunikasyon, kasama ang oras na ginugugol mo sa aming Mga Platform, mga ginawang paghahanap, at mga page, feature, o functionality na in-access mo, mga link na na-click mo para i-redirect ka papunta o paalis sa aming Mga Platform (kasama, halimbawa, ang pagkakakilanlan ng Travel Provider kung saan ka nag-redirect at uri ng serbisyo sa biyahe na pinili mo). Depende sa Platform na ginagamit mo at mga setting mo sa privacy, kokolektahin o bubuuin ang ilan sa mga data na ito gamit ang cookies. Para sa iba pang impormasyon, tingnan ang aming Patakaran sa Privacy.
  • Impormasyon ng Mga Kagustuhan na ipinahayag mo sa amin gaya ng
    • Mga partikular na pahintulot na ibinigay o tinanggihan mo, mga kagustuhan sa email at push notification, at mga kagustuhan sa cookie;
    • Gustong wika, locale, currency, at panggagalingang airport.
  • Impormasyon sa Mga Komunikasyon gaya ng:
    • Ang nilalaman ng mga komunikasyong ipinapadala namin at natatanggap mula sa iyo, kasama ang feedback, mga request para sa tulong, at mga tanong;
    • Impormasyon tungkol sa mga komunikasyong iyon, gaya ng oras at petsa kung kailan ito ipinadala at kung paano ka nakikipag-ugnayan sa mga komunikasyon na ipinapadala namin sa iyo (halimbawa, open rate at click-through rate).
  • Content na Ginawa o Ibinigay ng User gaya ng:
    • Content na ina-upload mo sa aming Mga Platform o nauugnay sa aming Mga Platform (gaya ng mga komento, larawan, video, rekomendasyon, kagustuhan, review, at prompt na inilagay mo sa aming mga language model na pinapagana ng AI na posible naming gawing available sa iyo sa aming Mga Platform) at impormasyon tungkol sa content, gaya ng oras at petsang nauugnay sa nasabing content;
    • Pakikipag-ugnayan mo sa amin sa mga social media platform (gaya ng Instagram, Twitter, o Facebook) kasama ang mga komento, larawan, video, at mga impormasyong available sa publiko tungkol sa social media account mo (gaya ng username mo). Kapag nagustuhan namin ang content mo, posible kaming makipag-ugnayan sa iyo para itanong kung masisiyahan ka kung ire-repost namin ang content mo o gagamitin ito sa iba pang platform.
  • Impormasyon sa Pag-login sa Third-Party:
    • Kung pinili mong gumawa ng Skyscanner account gamit ang isang third-party platform (halimbawa, sa Apple, Google, o Facebook), posible kaming awtomatikong makatanggap ng personal na data tungkol sa iyo mula sa third-party na iyon, gaya ng iyong email address, pangalan, at iba pang detalye sa pakikipag-ugnayan. Mag-iiba-iba ang personal na data na matatanggap namin depende sa impormasyon na ibinigay mo sa third party at mga kagustuhan mo sa loob ng third-party platform (halimbawa, posibleng na-enable mo ang functionality na 'Itago ang Email Ko' sa Apple). Sumangguni sa nauugnay na abiso sa privacy ng third party para sa karagdagang impormasyon.
  • Impormasyon ng Profiling
    • Pinagsasama-sama namin ang impormasyong kinokolekta, binubuo, o natatanggap namin (gaya ng inilarawan sa itaas) para mas maunawaan ka at ang mga interes mo, para puwede naming ma-personalize ang Aming Platform, serbisyo, at advertising para sa iyo. Ginagawa namin ito sa pamamagitan ng panghuhula ng mga kagustuhan at interes mo batay sa pinagsama-samang data.

Hindi namin regular na kinokolekta ang personal na data na nasa espesyal na kategorya (ang mga ito ay mga mas sensitibong uri ng data, gaya ng impormasyon kaugnay ng iyong kalugusan, relihiyon, o etnikong pinagmulan). Gayunpaman, puwede mong piliing ibigay sa amin ang impormasyon na nagbubunyag ng ganitong uri ng data. Halimbawa, kapag nakikipag-ugnayan ka sa aming customer services team para ipaalam sa amin na hindi ka puwedeng bumiyahe, may mga pangangailangan ka sa pagkain o may iba ka pang posibleng pangangailangan. Puwede mo ring piliing ibigay sa amin ang impormasyong ito kung lumahok ka sa mga nauugnay na uri ng market research o user testing. Halimbawa, kung nagbigay ka ng feedback tungkol sa accessibility ng aming Mga Platform.

Bakit at paano namin ginagamit ang personal na data?

Ginagamit lang namin ang iyong personal na data kung saan:

• Kinakailangan para makagawa kami ng kontrata para sa iyo, o pangasiwaan ang pagkakaroon mo ng kontrata sa isang Travel Provider;

• Kinakailangan para makamit ang mga lehitimong interes namin o ng iba pa;

• Kinakailangan para maipatupad ang mga legal na karapatan o sumunod sa mga legal na obligasyon; o

• Ibinigay mo sa amin ang iyong pahintulot.

Paggawa ng Kontrata

Ginagamit namin ang personal na data para ihatid ang aming mga serbisyo o pangasiwaan ang pagsasakatuparan ng isang kontratang nilagdaan mo—o lalagdaan mo, gaya ng pag-book o pagbili sa amin o sa isang Travel Provider. Partikular na, ginagamit namin ang personal na data para:

  • Paganahin ang aming Mga Platform. Halimbawa:
    • Binubuo namin ang mga resulta bilang tugon sa ginawa mong mga paghahanap, halimbawa, pagbibigay sa iyo ng listahan ng mga opsyon sa flight, hotel, o maaarkilang sasakyan na pinakaangkop na nakakatugon sa mga pangangailangan mo;
    • Tinitiyak namin na naa-access at nagagamit ang aming Mga Platform at mga serbisyo (halimbawa, sinisigurado naming ipinapakita namin nang tama ang aming mga serbisyo batay sa uri ng device na ginagamit mo).
  • Pangasiwaan ang mga pagbu-book at pagbili. Kapag nakahanap ka na ng opsyon sa biyahe na gusto mong i-book o bilhin:
    • Nire-redirect ka namin sa platform ng Travel Provider kasama ang impormasyong kinakailangan para i-enable sila na makilala ka at ang opsyon sa biyahe na pinili mo sa aming Mga Platform. Kasama sa impormasyong ito ang mga detalye ng paghahanap mo ng biyahe at data tungkol sa browser/device mo, o
    • Payagan kang mag-book o bumili sa aming Mga Platform, kung saan kinokolekta namin ang anumang personal na data na kinakailangan para maproseso ang pag-book o pagbili mo at ibinabahagi ito sa Travel Provider. Depende sa ginagawa mong pagbu-book o pagbili, posibleng kasama sa impormasyong ito ang iyong mga detalye sa pakikipag-ugnayan, pangalan ng mga biyahero, impormasyon ng passport o pagkakakilanlan, at detalye sa pagbabayad.
  • Padalhan ka ng mahahalagang komunikasyon: Padadalhan ka namin ng mga komunikasyon tungkol sa:
    • Booking o binili mo;
    • Skyscanner account mo;
    • Iba pang mahalagang impormasyon, gaya ng mahahalagang pagbabago o update sa aming mga serbisyo.
  • Magbigay ng mga serbisyo sa customer. Tinutugunan namin ang mga komunikasyong ipinapadala mo sa amin tungkol sa aming mga serbisyo, account mo, o isang pagbu-book o pagbiling ginawa mo, o ibahagi ang mga komunikasyon mo sa mga nauugnay na Travel Provider.
  • Panatilihin ang Skyscanner account mo. Ginagawa at pinapanatili namin ang Skyscanner account mo (kung may account ka) at nagbibigay sa iyo ng mga benepisyong nauugnay sa pagkakaroon ng account, gaya ng pag-alala sa mga detalye ng account mo at paggamit ng mga ito habang nasa proseso ng pag-check out, para gawing mas mabilis ang pagbu-book mo.
  • Magsagawa ng mga contest. Kung pinili mong sumali sa anumang contest, sweepstake, o katulad na aktibidad na pinapatakbo ng Skyscanner, gagamitin namin ang personal na data na ibinibigay mo para pangasiwaan ang contest at magpadala ng mga premyo sa mga nanalo.

Posible naming gamitin ang mahahalagang cookies at mga katulad na teknolohiya sa device mo para sa ilan sa aming mga layunin, gaya ng mas detalyado pang ipinaliwanag sa aming Patakaran sa Cookie

Mga lehitimong interes

Ginagamit namin ang personal na data kung kinakailangan para isakatuparan ang aming mga lehitimong interes, o ng mga third party. Kapag pinoproseso namin ang iyong personal na data batay sa mga lehitimong interes, gagawin lang namin ito kapag makatuwirang naaapektuhan ang sarili mong mga karapatan at kakayahang magdesisyon.

Partikular na ginagamit namin ang personal na data para:

  • Paganahin ang Mga Platform. Tinutukoy at itinatama namin ang mga pagkakamali sa mga bahagi ng aming Mga platform sa pamamagitan ng paggamit ng impormasyon gaya ng uri ng browser, operating system, locale, wika, at karaniwang aktibidad sa site, kasama ang anumang partikular na feedback na pinili mong ibigay sa amin nang pana-panahon.
  • Magsagawa ng Analytics at Pagandahin ang aming Mga Platform. Halimbawa:
    • Sinusuri namin kung paano, kailan, at bakit ginagamit ng mga tao ang Mga Platform ng Skyscanner. Halimbawa, tinutukoy namin kung aling mga ruta sa biyahe at Travel Provider ang pinakapatok, aling mga feature sa Mga Platform namin ang may pinakamaraming nakikipag-ugnayan, at paano nakikipag-ugnayan ang mga tao sa aming mga komunikasyon;
    • Ginagamit·namin·ang·impormasyong·ito·para·matukoy·ang·mga·trend·sa·pagbibiyahe·at·para·suriin·at·pagandahin·ang·Mga·Platform·at·mga·opsyon·sa·pagbibiyahe·na·inaalok·namin;
    • Ginagawa·rin·naming·available·ang·impormasyon·tungkol·sa·mga·trend·sa·pagbibiyahe·sa·mga·Travel·Provider·at·iba·pang·third·party·na·gustong·gamitin·ang·mga·insight·na·ito·para·gumawa·ng·mga·may·kaalamang·desisyon·tungkol·sa·sarili·nilang·mga·produkto·at·serbisyo.
  • I-personalize ang iyong karanasan sa Skyscanner: gusto naming gawing kapaki-pakinabang at makabuluhan ang aming Mga Platform hangga't maaari. Halimbawa:
    • Ipinapakita namin sa iyo ang impormasyon o mga opsyon sa pagbibiyahe na pinaniniwalaan naming pinakaangkop sa iyo;
    • Ginagamit namin ang iyong lokasyon para mahulaan kung saang airport mo malamang na gustong manggaling o pumunta;
    • Iniangkop namin ang mga komunikasyon sa marketing (kung hiniling mo sa amin na padalhan ka namin nito) at mga ad para ipakita kung ano ang pinaniniwalaan naming magiging interesado ka. Tingnan ang 'Paano ginagamit ang personal na data para sa advertising?' para sa higit pang impormasyon.

Kasama sa pag-personalize ang paggawa namin ng profile para sa iyo batay sa impormasyong ibinibigay mo sa amin—gaya ng kapag nagbu-book o bumili, kapag nilalamanan ang profile ng account mo, o kapag nagsu-subscribe sa mga alerto sa flight. Halimbawa, kapag alam namin na kamakailan kang nag-book ng flight sa Barcelona sa isa sa aming Mga Platform, posible kaming magpakita ng mensahe sa iyo na nagtatanong kung gusto mong maghanap ng hotel sa Barcelona, o magsama ng impormasyon tungkol sa mga hotel sa Barcelona sa susunod mong email newsletter.

Para matiyak na nauugnay at kapaki-pakinabang ang aming pag-personalize hangga't maaari, gumagamit kami ng personal na data para sanayin ang aming mga machine learning algorithm. (halimbawa, sa pagbibigay ng mga nauugnay na resulta ng maaarkilang sasakyan batay sa range ng edad ng driver). Hindi namin direktang gagamitin ang makikilalang impormasyon gaya ng iyong mga detalye sa pakikipag-ugnayan o data sa pagbabayad para sa mga layuning ito.

Walang legal o iba pang mahalagang epekto sa iyo ang ganitong profiling at mga machine learning activity.

  • Tiyakin ang Seguridad at Pigilan ang Panloloko. Nagsasagawa kami ng mga panseguridad na hakbang sa aming Mga Platform at nagsasagawa ng mga aktibidad para pigilan ang panloloko. Halimbawa:
    • Kung nagbu-book o bumibili ka sa isa sa aming Mga Platform, nag-so-store kami ng subset ng iyong impormasyon ng card sa pagbabayad (gaya ng naka-token na bersyon ng numero ng card at IP address) kasama ang impormasyong isinumite mo habang nasa proseso ng pag-check out (gaya ng pangalan at mga detalye sa pakikipag-ugnayan) para tukuyin ang kahina-hinalang aktibidad;
    • Ginagamit namin ang impormasyon tungkol sa device mo (tulad ng brand, model, operating system, mga setting, at browser) at ang network kung saan ka nakakonekta (tulad ng IP address, domain, carrier) para tukuyin ang kahina-hinalang aktibidad.

Para sa mga layuning ito, maaari kaming gumawa ng mga awtomatikong pagpapasya tungkol sa iyo na maaaring magresulta sa pagpigil namin o ng nauugnay na Travel Provider sa pagbu-book o pagbili mo. Kung naapektuhan ka sa ganitong paraan at gusto mong talakayin o iapela ang awtomatikong desisyon, makipag-ugnayan sa amin.

  • Magsagawa ng Mga Survey sa Kasiyahan ng Customer at Market Research (kung saan hindi kailangan ng pahintulot). Halimbawa:
    • Puwede kaming makipag-ugnayan sa iyo para imbitahan kang lumahok sa mga survey sa kasiyahan ng customer, market research, o user testing;
    • Pangangasiwaan namin ang paglahok mo sa mga survey sa kasiyahan ng customer, market research, o user testing at ire-record at susuriin ang anumang feedback na pinili mong ibigay sa amin.
  • Magpadala ng Mga Alerto sa Pagbibiyahe at Komunikasyon sa Marketing (kung saan hindi kailangan ng pahintulot). Halimbawa:
    • Padadalhan ka namin ng mga alerto at update kung hiniling mong makatanggap nito, tulad ng mga alerto sa presyo ng biyahe;
    • Padadalhan ka namin ng mga komunikasyon sa marketing na sa tingin namin ay magiging interesado ka.

Puwede mong hilingin sa amin na ihinto ang pagpapadala ng mga ito kahit kailan.

  • Magtago ng mga Record at Patakbuhin ang aming Negosyo. Halimbawa:
    • Ginagamit namin ang impormasyon para sa mga layunin sa internal na pangangasiwa at pag-uulat;
    • Ginagamit namin ang impormasyong direkta naming kinokolekta mula sa iyo at impormasyong ibinibigay sa amin ng mga Travel Provider tungkol sa iyong booking o pagbili para makalkula ang anumang bayarin na dapat bayaran sa Skyscanner ng Travel Provider.

Isasagawa ang mga aspekto ng ilan sa mga aktibidad na ito (tulad ng analytics at pag-personalize) batay sa pahintulot (kung saan mo piniling ibigay ito) sa halip na mga lehitimong interes. Tingnan ang seksyong Pahintulot sa ibaba at ang aming Patakaran sa Cookie para sa karagdagang impormasyon.

Pahintulot

Hihingin namin sa iyo ang pahintulot mo para sa ilang partikular na paggamit ng data mo. Halimbawa, tatanungin ka kung masisiyahan ka kapag:

  • Padadalhan ka namin ng mga promo na komunikasyon (kung saan kailangan ng pahintulot);
  • Makikipag-ugnayan kami sa iyo para imbitahan kang lumahok sa mga survey sa kasiyahan ng customer, market research, o user testing, at ire-record at susuriin ang anumang feedback na pipiliin mong ibigay sa amin (kung saan kailangan ng pahintulot);
  • Gagamit kami ng cookies at mga katulad na teknolohiya (kung saan kailangan ng pahintulot), kasama ang mga layunin sa pinagandang karanasan at naka-personalize na advertising. Tingnan ang aming Patakaran sa Cookie para sa higit pang impormasyon.

Kung pinoproseso namin ang iyong personal na data batay sa pahintulot, aabisuhan ka at hihingin ang pahintulot mo nang maaga. Kung pipiliin mong ibigay ang iyong pahintulot, puwede mo itong bawiin kahit ka ilan sa pamamagitan ng paggamit ng nauugnay na functionality na ibinigay sa loob ng aming Mga Platform kung saan posible (halimbawa, paggamit ng 'unsubscribe' link sa mga marketing email, pagpapalit ng mga setting mo sa privacy, o pagbabago ng mga setting ng account mo), o sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa amin. Kung babawiin mo ang iyong pahintulot, hindi mo na mapakikinabangan ang mga promo at alok namin.

Kung saan kinakailangan ito para isakatuparan o sumunod sa mga legal na karapatan o obligasyon.

Posibleng kailanganin naming gamitin ang personal na data mo kaugnay ng mga legal na paghahabol, o para sa mga layunin ng pagsunod at panregulatoryo.

Halimbawa, gagamitin, ibabahagi, o itatago namin ang personal na impormasyon kung kinailangan ng batas, utos ng hukuman, o panregulatoryong institusyon.

Kapag ginagamit mo ang anumang naaangkop na legal na karapatan na mayroon ka para i-access, palitan, o tanggalin ang iyong personal na data, posible kaming humingi sa iyo ng mga dokumento para sa pagkakakilanlan at pagberipika para kumpirmahin ang iyong pagkakakilanlan.

Kailan ibinabahagi o kinokolekta ng mga third party ang personal na data?

Ibinabahagi namin ang personal na data kung kinakailangan para sa mga layuning inilarawan sa Paano at bakit namin ginagamit ang personal na data? Ibig sabihin nito, ibinabahagi namin ang personal na data kung saan mo hiniling na ibahagi namin ito, kung saan isa itong kinakailangang bahagi ng pagsasagawa ng negosyo kaugnay ka at pagbibigay sa iyo ng mga serbisyo, kung saan kailangan namin itong gawin para sa mga legal na dahilan, o kapag kinakailangan ang pagbabahagi ng impormasyon para isakatuparan ang mga lehitimong interes namin o ng isang third party.

Ginagawang available ang personal na data sa ilang partikular na kompanya na nagpoproseso ng impormasyon para sa amin, para payagan kaming mapatakbo ang aming Mga Platform at maihatid ang aming mga serbisyo. Gagamitin ng mga Travel Provider kung saan ka nagbu-book o bumibili gamit ang Skyscanner (gaya ng mga airline, hotel, o travel agent) ang data mo alinsunod sa kani-kanilang sariling patakaran. Posible ring kolektahin ang mga impormasyon mo ng mga kompanyang nag-a-advertise sa aming Mga Platform o kung saan kami nakikipagtulungan para sa kani-kanilang sariling layunin.

Pagbabahagi ng personal na data sa mga third party na nagpoproseso nito para sa amin

Ibinabahagi namin ang personal na data sa mga piling third party na nagbibigay sa amin ng iba't ibang serbisyo (“Mga Third-Party Processor”). Hinihiling namin sa mga Third-Party Processor na sumailalim sa panseguridad na pagsusuri at lumagda ng kontrata sa amin na, bukod sa iba pang bagay, ay panatilihing ligtas ang personal na data, sumunod sa mga naaangkop na batas sa proteksyon ng data, at gamitin lang ito para sa mga layuning itinagubilin namin.

Kasama sa mga uri ng mga Third-Part Processor kung saan posible naming ibahagi ang personal na data mo ang:

  • Mga processor ng pagbabayad. Nakikipag-ugnayan ang mga ito sa amin para ligtas na i-store o pangasiwaan ang impormasyon ng mga pagbabayad, kasama ang mga detalye ng card sa pagbabayad, na kailangan para maproseso ang mga pagbu-book o pagbili sa mga Travel Provider;
  • Mga provider ng tool para sa pamamahala at pamamahagi ng email. Halimbawa, kapag nag-sign up ka para makatanggap ng mga newsletter ng Skyscanner o iba pang mensahe ng marketing, ipapadala namin ang mga ito sa iyo gamit ang third-party tool para sa pamamahagi ng email;
  • Mga provider ng mga serbisyo para sa seguridad at pagpigil ng panloloko. Halimbawa, ginagamit namin ang mga provider na ito para matukoy ang mga awtomatikong software agent na posibleng makagambala sa aming mga serbisyo o para pigilan ang maling paggamit ng aming mga API;
  • Mga provider ng mga serbisyo ng data aggregation at analytics software.
  • Mga provider ng mga tool sa pagsubaybay. Halimbawa, ginagamit namin ang mga tool na ito para matukoy kapag nag-click ka sa isang link sa Mga Platform ng Skyscanner at na-redirect sa platform ng Travel Provider;
  • Mga provider ng mga software platform ng customer service. Tinutulungan kami ng mga ito sa pakikipag-ugnayan sa iyo at pagbibigay ng customer support sa iyo—halimbawa, gamit aming online help center;
  • Mga provider ng mga serbisyo para sa kasiyahan ng customer at market research. Tinutulungan kami ng mga ito sa pag-imbita sa iyo na lumahok sa ganitong mga survey o pananaliksik, pagre-record ng feedback mo (kung pipiliin mong ibigay ito) at pagtulong sa amin na maunawaan ang feedback mo;
  • Mga provider ng mga online cloud service at iba pang mahalagang serbisyo ng IT support. Pinapayagan kami ng mga ito na patakbuhin ang aming negosyo at paganahin ang aming mga internal at external na serbisyo;
  • Iba pang kompanyang kasama sa grupo ng Skyscanner. Tinutulungan kami ng grupo ng mga kompanya sa mga layuning inilarawan sa Patakarang ito, kasama ang paghahatid ng aming mga serbisyo sa iyo.

Ibinabahagi ang iyong impormasyon sa mga third party, o pinapayagan silang kolektahin ito, para sa kani-kanilang sariling layunin

Hindi tulad ng Mga Third-Party Processor, ipoproseso ng ilang pinagkakatiwalaang kompanya ang iyong personal na data bilang hiwalay na controller, na nangangahulugang matutukoy nila kung paano at bakit ginagamit ang iyong personal na data sa halip na Skyscanner:

  • Mga Travel Provider.
    • Kung magbu-book o bibili ka sa isang Travel Provider sa isa sa aming Mga Platform, ibabahagi ang personal na data na isinumite mo bilang bahagi ng iyong pagbu-book o pagbili sa nauugnay na Travel Provider (o mga third party na nagbibigay ng mga serbisyo para sa kanila) para maproseso ang iyong pagbu-book o pagbili. Kung sumasang-ayon ka na makatanggap ng mga komunikasyon sa marketing mula sa Travel Provider o sumali sa kanilang loyalty program, ibabahagi rin namin ang personal na data para sa mga layuning ito. Puwede rin naming ibunyag ang personal na data sa mga Travel Provider kung kinakailangan para tulungan ka sa mga tanong o isyung isinumite mo sa aming team ng mga customer service. Puwede mong i-review muna ang patakaran sa privacy at mga tuntunin at kondisyon ng Travel Provider para maunawaan kung paano gagamitin ng Travel Provider ang impormasyon mo bago gawin ang pagbu-book o pagbili mo.
    • Kapag naghahanap ka ng mga resulta ng maaarkilang sasakyan, posible naming ibahagi ang IP address mo sa ilang partikular na Travel Provider. Pinapayagan sila nito na mapigilan at matukoy ang panloloko, at matiyak din na available sa iyo sa market mo ang mga resulta ng presyo na ibinabahagi nila.
    • Kapag nakipag-ugnayan ka sa aming mga customer service, kung naaangkop, maaari naming ibahagi ang mga pakikipagkomunikasyon sa mga nauugnay na Travel Provider.
  • Mga Partner sa Pagpigil ng Panloloko. Para pigilan at tukuyin ang panloloko, posible naming ibahagi ang impormasyon tungkol sa iyo sa mga provider ng serbisyo para sa pagpigil ng panloloko kung kanino kami nakikipagtulungan. Puwede rin kaming magbahagi ng personal na data sa mga Travel Provider para sa kanilang mga layunin o sa aming mga layunin sa pagberipika at pagtukoy ng panloloko.
  • Mga Partner sa Advertising. Depende sa Platform na ginagamit mo at sa mga pagpipilian sa privacy na ginawa mo, posibleng kolektahin ang ilang impormasyon mo ng mga third party gaya ng mga advertiser, marketing network, at affiliate gamit ang cookies at mga katulad na teknolohiya. Posible rin kaming makipagtulungan sa mga piling kompanya para higit pang maunawaan ang mga interes ng mga biyahero. Halimbawa, sa pamamagitan ng pagtukoy kung paano nakikipag-ugnayan ang mga biyahero ng Skyscanner sa mga third-party brand o para mapaganda pa ang aming mga advertising campaign. Puwede mong alamin pa ito sa aming Patakaran sa Cookie at Paano ginagamit sa advertising ang personal na data?
  • Mga Pakikipagtulungan sa Brand. Kung kinakailangan, magbabahagi kami ng personal na data sa mga third party kung kanino kami nakikipagtulungan sa mga joint initiative, gaya ng mga promo o kompetisyon. Posibleng magpadala sa iyo ang mga third party na ito ng mga electronikong komunikasyon ng direct marketing (halimbawa, mga promo email), kung pinili mong pahintulutan ito.
  • Mga Loyalty Partner. Kapag na-redirect ka sa Skyscanner Perks platform, ibabahagi ang email address mo sa Propello Cloud Limited para makagawa ng account at gawing available sa iyo ang mga nauugnay na serbisyo.
  • Pagbubunyag ng impormasyon para sa legal at iba pang dahilan. Ibubunyag namin ang personal na data kung kinakailangan para ipatupad ang aming Mga Tuntunin ng Serbisyo o iba pang kasunduan, o bilang bahagi ng isang transaksyon o paglilitis ng korporasyon tulad ng merger, financing, acquisition, bankruptcy, dissolution, o transfer, divestiture, o pagbebenta ng lahat o bahagi ng aming negosyo o mga asset. Posible rin naming ibunyag ang personal na data kung kinakailangan para pigilan, tukuyin, at usigin ang mga labag sa batas (o pinaghihinalaang labag sa batas) na aktibidad, kasama ang panloloko, o kung saan kinakailangan para tugunan ang mga kahilingang may legal na batayan (halimbawa, mula sa mga ahensya sa pagpapatupad ng batas), mga legal na paghahabol, o para ipatupad ang aming mga legal na karapatan at solusyon.
  • Iba pang kompanya sa loob ng grupo ng Skyscanner. Ibinabahagi ang personal na data sa iba pang entity sa grupo ng Skyscanner na tumutulong sa amin sa mga layuning inilarawan sa Patakarang ito at para sa mga layuning panggrupo, kabilang ang paghahatid sa iyo ng aming mga serbisyo, seguridad at pagpigil sa panloloko, at internal na pag-uulat at pangangasiwa.

Saan namin pinoproseso ang personal na data?

Ligtas na naka-store ang personal na data sa mga data center sa buong mundo—nakadepende ang eksaktong lokasyon sa kung nasaan ka nang gamitin mo ang Skyscanner. Ipoproseso lang ang personal na data ng mga supplier na nagbibigay ng mga naaangkop na proteksyong nakabatay sa kontrata para sa impormasyong pinoproseso nila. Kung minsan, posibleng i-store ang personal na data sa mga bansa na may iba't ibang antas ng seguridad kaysa sa sarili mong bansa, pero palagi naming tinitiyak na natutugunan ng kanilang mga pamantayan ang aming mga pamantayan.

Pinoproseso ang iyong personal na data sa UK, kung nasaan ang headquarters ng Skyscanner. Posible ring iproseso ang personal na data mo ng iba pang entity ng Skyscanner (tingnan ang Kailan ibinabahagi o kinokolekta ng mga third party ang personal na data? para sa karagdagang impormasyon).

Sino-store namin ang personal na data sa mga ligtas na server sa iba't ibang lokasyon, depende sa kung nasaan ka sa mundo kapag ina-access mo ang aming Mga Platform. Sa ngayon, ginagamit namin ang mga server na nasa Ireland, Frankfurt, Tokyo, Canada, at Singapore.

Puwedeng iproseso ng mga third party kung kanino namin ibinabahagi ang personal na data sa labas ng bansa kung saan ka naninirahan. Halimbawa, kung nagbu-book ka ng flight na pinapatakbo sa loob ng isang partikular na bansa, dapat mong asahan na ililipat, at ipoproseso, ang iyong personal na datos, ng mga Travel Provider sa bansang iyon.

Posibleng hindi magbigay ng parehong antas ng proteksyon ng personal na data ang mga batas at regulasyon sa mga bansang ito gaya ng mga regulasyon sa sarili mong bansa. Gayunpaman, maglalagay kami ng mga proteksyon para protektahan ang data mo kapag inilipat ito. Kapag iniliipat ang personal na data mula sa UK/European Economic Area sa isang lokasyon sa labas ng UK/European Economic Area na hindi nag-aalok ng sapat na antas ng proteksyon para sa personal na data, magpapatupad kami ng mga naaangkop na proteksyon para tiyaking sapat na napoprotektahan ang personal na data sa lokasyong iyon, na pinakamadalas na sa pamamagitan ng paglalapat ng mga standard contractual clause na inaprubahan ng European Commission o pagdepende sa nauugnay na inaprubahang Binding Corporate Rules ng third party.

Kung mayroon kang tanong tungkol sa mga hakbang na isinasagawa namin para protektahan ang iyong personal na datos, makipag-ugnayan sa amin.

Paano ginagamit ang personal na datos para sa advertising?

Makakakita ka ng mga ad kapag ginagamit mo ang aming Mga Platform at posibleng makakita rin ng mga ad tungkol sa Skyscanner at mga piling partner ng Skyscanner kapag nasa iba ka pang platform. Manggagaling sa amin o sa mga third party ang mga ad na ito at posibleng naka-personalize para maging mas nauugnay sa iyo ang mga ito. Posibleng kasama sa personal na data na ginagamit para i-personalize ang mga ad ang impormasyon na ibinibigay mo sa amin sa pamamagitan ng paggawa ng account o pagbu-book gamit ang Mga Platform ng Skyscanner, o sa pamamagitan ng cookies at mga katulad na teknolohiya (puwede mong alamin pa sa aming Patakaran sa Cookie.

Mga ad na posibleng makita mo habang nasa Mga Platform ng Skyscanner

Nakikipag-partner ang Skyscanner sa affiliate network at mga provider ng serbisyo sa marketing gaya ng Facebook ("Mga Third-Party Ad Solution") para i-market at i-advertise ang aming serbisyo sa mga third-party website at application at sukatin ang pagiging epektibo ng mga advertising campaign. Kasama sa mga naturang aktibidad ang:

  • Paggawa ng mga audience para sa mga advertisement ng Skyscanner ng iba pang indibidwal na may kaparehong katangian ng sa iyo batay sa impormasyong mayroon ang Mga Third-Party Ad Solution tungkol sa iyo; at
  • Kasama ka sa 'mga custom audience' na makakatanggap ng advertising content ng Skyscanner.

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa kung paano namin ginagamit ang cookies at mga katulad na teknolohiya, kasama kung paano naming pinapamahalaan ang iyong mga kagustuhan, tingnan ang aming Patakaran sa Cookie.

Gumagamit ba kami ng cookies o mga katulad na teknolohiya?

Gumagamit kami ng mga cookies at mga katulad na teknolohiya para tumulong na maghatid at i-optimize ang aming Mga Platform, mapaganda ang karanasan mo, at para sa mga layunin ng advertising, depende kung ginagamit mo ang aming website o app at mga setting mo sa privacy.

Tingnan ang aming Patakaran sa Cookie para sa higit pang impormasyon at detalye tungkol sa mga uri ng cookies at mga katulad na teknolohiya na ginagamit namin.

Gaano katagal namin sino-store ang personal na data?

Itinatago lang namin ang personal na data hanggang kailangan namin ito. Nakadepende ito sa mga layunin kung saan nakolekta ang personal na data, at kung mayroon kaming patuloy na pangangailangan o obligasyon na itago ang personal na data sa loob ng isang tiyak na panahon. Kung hindi na namin kailangang iproseso ang iyong personal na data, ide-delete namin ito o sisiguraduhing hindi ka na makikila batay rito. Kung gusto mo ng karagdagang impormasyon tungkol sa panahon ng pagpapanatili nito, makipag-ugnayan sa amin.

Puwede mong hilingin sa amin na i-delete ang iyong personal na data sa ilang partikular na pagkakataon. Alamin pa kung paano namin pinapamahalaan ang iyong personal na data sa Ano ang mga opsyon at karapatan ko?.

Paano namin pinapanatiling ligtas ang personal na data?

Naka-embed sa aming kultura ang pagprotekta sa privacy mo at gumagamit kami ng kombinasyon ng mga paraang tumutugon sa pamantayan ng industriya para protektahan ito.

Pinakamataas naming priyoridad ang pagpapanatiling ligtas ng personal na data. Para matiyak na napapanatili namin ang kultura ng 'Seguridad at Privacy batay sa Disenyo', nagbibigay kami ng mahigpit na proteksyon ng data at pagsasanay sa privacy, pati na rin ng pagsasanay sa seguridad sa lahat ng empleyado ng Skyscanner. Binubuo namin ang mga serbisyo na may layuning gamitin ang minimum na dami ng kinakailangang personal na datos, kasama ang paggamit ng mga paraan sa pag-minimize ng data gaya ng pag-anonymize at pag-pseudonymize.

Walang website o app ang makakagarantiya ng kumpletong seguridad, pero gumawa kami ng programang pangseguridad para sa buong organisasyon na idinisenyo para panatiling ligtas ang personal na data mo hangga't maaari. Gumagamit ito ng iba't ibang teknikal, pang-organisasyon, at administratibong panseguridad na hakbang at pinakamagagandang technique, depende sa uri ng data na pinoproseso.

Ano ang iyong mga opsyon at karapatan?

Kung mayroon kang account sa Skyscanner, puwede mong bisitahin ang iyong profile para pangasiwaan ang impormasyon ng account mo at mga preperensya sa marketing. Mayroon ka ring ilang partikular na karapatan sa proteksyon ng data, na mas detalyado naming ipinaliwanag sa ibaba. Puwede mong gamitin ang mga karapatang ito sa pamamagitan ng pagpunta sa page na "Gumawa ng Kahilingan para sa Privacy ng Data".

Mayroon kang karapatang humingi sa amin ng kopya ng iyong personal na data; iwasto o i-delete ang, o paghigpitan ang pagpoproseso sa, personal na data mo; at kunin ang personal na data na ibinigay mo sa amin sa isang format na nakaayos at nababasa ng machine. Bukod pa rito, puwede mong tutulan ang pagpoproseso ng iyong personal na data sa ilang sitwasyon (partikular na, kapag hindi namin kailangan iproseso ang data para matugunan ang isang kontrata o iba pang legal na pangangailangan).

Kung saan humingi kami ng pahintulot mo, puwede mong bawiin ang pahintulot kahit kailan. Kung hihilingin mong bawiin ang pahintulot mo sa pagpoproseso ng Skyscanner sa data mo, hindi nito maaapektuhan ang anumang pagpoproseso na naisagawa na sa panahong iyon.

Posibleng limitado ang mga karapatang ito, halimbawa kapag mabubunyag ang personal na datos ng ibang tao para matugunan ang iyong kahilingan, o kung hiniling mo sa amin na burahin ang impormasyon na kailangan naming kolektahin batay sa batas, o kung may mahalagang lehitimong interes na dapat isakatuparan.

Puwede kang magsagawa ng ilang partikular na aksyon sa Skyscanner account mo (hal. tingnan, i-edit, at alisin ang ilang partikular na personal na data mula sa profile mo). Puwede mong gamitin ang mga karapatang ito sa pamamagitan ng pagbisita sa aming page na "Gumawa ng Kahilingan para sa Privacy ng Data" o sa pamamagitan ng pagsulat sa aming Data Protection Officer sa Skyscanner, Quartermile One, 15 Lauriston Place, Edinburgh EH3 9EN.

Kung mayroon kang mga hindi nalutas na alalahanin, may karapatan kang magreklamo sa isang Supervisory Authority sa proteksyon ng data.

Sino kami at paano ka makikipag-ugnayan sa amin?

Ang Skyscanner ay inihahatid ng Skyscanner Limited, isang kompanyang nakarehistro sa UK.

Ang numero ng aming kompanya ay: 04217916.

Ang nakarehistrong address ng aming opisina ay: Level 5, Ilona Rose House, Manette Street, London, United Kingdom, WD14 4AL.

Puwede kang elektronikong makipag-ugnayan sa amin sa aming Help Center or sa pamamagitan ng pagsulat sa Skyscanner, Quartermile One, 15 Lauriston Place, Edinburgh, Scotland, EH3 9EN.

Mga Site na Internasyonal